Sa Mga Kapwa Namin Guro:
Malugod po kayong inaanyayahan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila at ng Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) sa isang kumperensyang pinamagatang Mula Piedras Platas Tungong Payatas: Pambansang Panayam sa Pagtuturo ng mga Bagong Kasanayang Pampanitikan. Maghahain ito ng mga panibagong tunguhin sa pagtuturo ng panitikan bilang tugon sa mga pagbabago ng kurikulum na nakatuon sa pag-usbong ng mga bagong anyo na humahamon sa tradisyunal na pag-aaral ng panitikan sa mataas na paaralan. Tatalakayin dito ang mga piling usaping makakaapekto sa pagtuturo ng tula, maikling kuwento at nobela, dula, sanaysay, at mga bagong anyong pang-media. Magkakaroon ng mga pakitang-turo para sa iba?t ibang estratehiya sa paglalapat ng mga naihain sa panayam, pati na mga pagtatanghal ng mga bagong akda. Isasagawa ang lahat ng mga ito ng mga premyado at progresibong manunulat, kritiko, pantas at guro ng panitikan.
Gaganapin ang tatlong araw na panayam sa Bulwagang Escaler ng Science and Engineering Complex A (SEC A) ng Pamantasan ng Ateneo de Manila mula ika-22 hanggang ika-24 ng Abril, 2009 (Miyerkules hanggang Biyernes). Tatlong libong piso (P3000.00) ang itatakdang halaga sa bawat gurong lalahok sa panayam. Saklaw ng halagang nabanggit ang pagkain, kit na naglalaman ng iba't ibang materyales gaya ng mga papel na babasahin sa panayam, mga halimbawang lesson plan at pagsusulit, at sertipiko ng pakikilahok. Magbibigay ng limang daang pisong (P500.00) diskwento kung magpapareserba at magbabayad bago mag ika-20 ng Marso, 2009 (Biyernes).
Para sa karagdagang detalye tungkol sa panayam, maaaring bumisita sa aming blogsite (http://kagawaran. blogspot. com). Kung mayroon pong tanong o paglilinaw, huwag po kayong mag-atubiling makipag-ugnay sa aming tanggapan sa telepono bilang (02)426-6001 local 5320 o di kaya sa email address na jsalazar@ateneo. edu.
Lubos na gumagalang,
Joseph T. Salazar
Direktor ng Kumperensya
Saksak Sinagol
10 years ago
Post a Comment