TEATRO SAMBISIG, INC.
sa pagdiriwang ng ika-11 taon ng ALYANSA, INC.
at sa pakikipagtulungan ng
PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING
SHORTCUTS:
Sampung Bagong Dula mula sa mga Paaralan at Komunidad
Itinatampok ang back to back plays ng:
Teatro Sambisig, Inc.
The Thespian Society, Inc.
IGLAP: Indipendenteng Gilas
at Lakas ng Artistang Pangkomunidad
at ng Alyansa, Inc.
Teatro Sambisig, Inc.
“Kapote”
Sa panulat at direksyon ni Jeph Ramos
“At bakit, dahil ba sa lalaki at babae ako? Gago, pareho lang tayong tao! Nagkataon lang na malibog kang talaga at tapat ako, hindi dahil sa babae lang ako!”
– lANDRA, 36, asawat’t ina ng 3 anak
“Kung kagaguhan man ang magpalipas ng sandaling kaligayahan sa ibang babae dahil ako’y tao at may libog, marahil hindi. Pero kung naghahanap ako ng panandilaang aliw upang madugtungan pa ng konting lakas ang aking pangungulila sa aking pamilyang hindi ko nakikita at nakasama ng halos sampung taon….Patawarin mo ako!”
- FELIX, 40, asawang OFW, amang ng 3 anak
The Thespian Society, Inc.
“IOCULATORES”
Sa panulat Jhoven Jacob Sy
Sining ng teatro… makinang , nakapang-aakit… makapangyarihan dahil unti-unting iniluluklok sa rurok ng tagumpay na pawang panandalian lamang at puno ng mga mukhang nakakubli sa maskara ng pansariling kapakanan lamang.
Sining ng teatro, mundong pilit kinakain ng komersyalismo. Mundong nagsilbing kanlungan ni Alfred. Mundong pilit niyang iniaangat mula sa kumunoy ng mapagsamantala at mapanlinlang. Pighati at tagumpay dulot ng prinsipyo’t pilosopiyang kanyang pinanghahawakan. Ngunit ito ba’y sapat upang tuluyan talikdan ang sistemang pilit humihila’t tumatangay o sa huli’y ang pagpapatiwakal dito at pamamaalam ang tanging kahahantungan….ioculatores?
Disyembre 30, 2008 / 3:00 ng hapon
Tanghalang Sta. Ana, (near Our Lady of Abandon Parish Church , at the back of Sta Ana Plaza )
IGLAP: Indipendenteng Gilas at Lakas ng Artistang Pangkomunidad
“JUNK SHOP”
Sa panulat ni Owen Jalimao
Direksyon ni Roman Perez, Jr.
Isang dulang manggagawa, pag-ibig, pagtataksil at paghihiganti sa pag-ikot sa kahabaan ng Commonwealth at may metapora ng Junkshop. Isinulat ni Owen Jalimao at sa direksyon ni Roman Perez, Jr., Ang istorya ni Erning at Lora sa pilit na nire-recylcle ng dulang JUNKSHOP
ALYANSA, INC.
“PAGPILIT”
Sa panulat ni Kristina Javier
Direksyon ni Bobet Mendoza
Paano pipilitin ang bagong pag-ibig na magmabilis sa paglago? Ang pagpilit ay isang dulang nakatakda sa kontemporaryong panahon kung saan ang babae at lalake ay nasa marangyang hotel, nagsusuyuan, nagtatatlo. Kahit isang liggo pa lamang na magkakilala ay mayroon na silang masidhing nararamdaman para sa isat-isa. Ang babae ay mas naka-tuon sa katwiran ng isip samantalang ang lalake naman ay mas dikit sa dikta ng puso. Saan sila dadalhin ng kanilang pag-ibig?
Disyembre 30, 2008 / 7:00 ng gabi
Conspiracy Café, Visayas Ave. , Q.C.
LIBRE PARA SA LAHAT
Para sa iba pang impormasyon: mag-txt kila
Post a Comment