Saturday, December 27, 2008

Ikaapat na Isyu ng Bulawan Online / Bulawan Online 4th Issue

by Your Name 0 comments

Tag


Share this post:
Design Float
StumbleUpon
Reddit

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Inilabas na namin ang ikaapat na isyu ng Bulawan Online, tampok ang mga pagsusuri nina Roberto T. Añonuevo, Michael M. Coroza, at Virgilio S. Almario, kasama ang mga tulang pang-Pasko ng dalawang dakilang makata, sina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes.

Magpunta lamang po sa www.bulawanonline.com.

Mula sa mga editor:

ISYU BLG. 4, TOMO 1. Ipinagmamalaking ilathala ng Bulawan Online sa isyung ito ang katangi-tanging mga akdang pampanitikan sa mga buwan ng Disyembre 2008-Enero 2009.

Tampok din sa isyung ito ang likha ni torVs banalagay, ang Meri Kristmas Filipinas.

Mga sipi mula sa mga akda:

Parol at Aginaldo mula sa Dalawang Dakila, pagbása ni Roberto T. Añonuevo sa mga tula nina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes:

"Sila ang pinakatanyag na pares sa buong panahon ng balagtasan—at hinangaan ng mga kapuwa makata at hinabol ng mga babae—dahil kapuwa sila nagtataglay ng mataginting na tinig sa bigkasan at husay sa matulaing pangangatwiran. Higit pa rito, sina De Jesus at Collantes ay mga lantay na makata, at bihasa sa pagkatha ng mga tulang pasalaysay. Maihahalimbawa ang dalawa nilang piyesa na pumapaksa sa kapaskuhan. Ang tula ni De Jesus ay tungkol sa parol, samantalang ang tula ni Collantes ay hinggil sa batang dukhang namamasko."

Ang Pasko ay Sumapit: Isang Saling-awit, pagsusuri ni Michael M. Coroza:

"Isa na marahil sa pinakatanyag at walang kamatayang Pamaskong awit sa Filipinas ang "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon" na lalong kilala sa tawag na "Ang Pasko ay Sumapit."…Sa wari, hindi magiging ganap ang diwa ng Pasko sa anumang Pamaskong pagtitipon ng mga Filipino sa loob at labas man ng Filipinas kung hindi magkakaroon ng sama-samang pag-awit ng "Ang Pasko ay sumapit…" Walang alinlangang maituturing ito bilang Pamaskong Awit ng Lahi ng mga Filipino."

Iyang Filipinong Pananaw sa Pagbuo ng Pambansang Panitikan pagsusuri ni Virgilio S. Almario:

"Ang Filipinong Pananaw ay isang mahalagang salik ng pambansang kalinangan. A, ang "kalinangan"! Napakarikit na salin ng "kultura" mula sa Europa. Kalinangan. Ka+linang+an. Nakabuod sa likhang salita ang "linang," ang sityo ng pagsasaka't agrikultura, ang pook na matiyagang binubungkal, sinusuyod, inaalisan ng damo't halamang ligaw, dinudulutan ng angkop na patubig at pataba, upang pagtaniman. Nasa kalinangan ang kabuuang sipag at tiyagang pang-agrikultura upang mapairal ng tao ang sariling kakayahan sa ibabaw ng búhay na umaasa lamang sa kalikasan. Kalinangan/Kalikasan. Kalinangan versus Kalikasan."

Nilalamin din ng bagong isyu ang mga bahaging:

  • Mula sa Inyo — "Mula nang kayo'y nagsimula, gaano na karami ang bumisita sa inyong website? Masasabi niyo po bang tagumpay ang 2008 para sa inyo?"
  • Rio Almanac — Alamin kung sino sa mga pinagpipitaganang manunulat at makata ng Filipinas ang isinilang sa Disyembre at Enero.
  • Buklatan – Mga bagong aklat na pampanitikan o sa panitikan.

Comments 0 comments