Wednesday, December 3, 2008

9 Disyembre,Martes,Fellows Night at ika-23 anibersaryo ng LIRA

by Your Name 0 comments

Tag


Share this post:
Design Float
StumbleUpon
Reddit

Sa 9 Disyembre 2008, Martes, ganap na alas-sais ng gabi, ipagdiriwang ng LIRA o Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo ang ika-23 anibersaryo nito. Itinatag ang LIRA noong 15 Disyembre 1985 sa tanggapan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario.

Gaganapin ang pagdiriwang sa Conspiracy Bar Cafe, Visayas Avenue, Quezon City. Tampok sa gabing ito ang Fellows Night na magsisilbing pagtatapos ng fellows ng palihang LIRA para sa taong ito. Ang anibersaryo ay isa ring reunion para sa lahat ng sumali sa taunang palihan ng organisasyon.

Makisaya, makinig at tumula kasama ang mga kabataan at batikang makata! Para sa detalye, magtext o tumawag kay En Villasis,ang tagapag-ugnay ng LIRA, 0922-4332991.

0919-3175708 3814592 beverlysiy@gmail. com www.liraonline. org www.panpilpipol. wordpress. com www.dagdagdunongpro ject.multiply. com www.dagdagdunong. blogspot. com

Comments 0 comments