Ang Sining ng Tugma at Sukat ay proyekto ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Ito ay isang panayam at palihan ukol sa Tugma at Sukat. Libre at bukas ito sa lahat ng interesado lalo na sa mga guro mula sa pampublikong paaralan.
Gaganapin ang panayam at palihan sa Miyerkules, 26 Nobyembre 2008 sa Case Room 1, Administrative and Library Building, UAP, Pear Drive, Ortigas Center, Pasig City, 8:00-5:00 P.M. Libre ang pagkain sa buong araw at bukod doon ay gagawaran ng sertipiko ang makatatapos ng panayam at palihan.
Ang tagapagsalita ay si Prop. Edgar Samar. Siya ay kasapi ng LIRA, isang premyadong manunulat, guro mula sa Ateneo de Manila University at Ph.D.student ng UP Diliman.
Kumpirmahin ang inyong pagdalo. Makipag-ugnayan kay Por Requinto(0906- 4364659).
Pakipasa po sa sinumang interesado.
Saksak Sinagol
11 years ago
Post a Comment