Nabuo ang Patatag nuong Marso 1984 sa gitna ng matinding pakikihamok laban
sa diktadurya ni Marcos. Mga bata pa kami noon, mapusok, at siyempre,
yapos ang idealismo at prinsipyo. Ang tanging nag-uugnay sa amin bukod sa
aming paniniwala sa pagbabago ng lipunan, ay ang aming pagmamahal sa
musika. Marami-rami ring kanta ang inawit namin. Marami-rami ring
konsyerto ang aming nagawa bago kami nagpasyang tumigil na. Nagdaan ang
panahon, marami sa amin ang nagkapamilya at nagpasyang umukit ng ibang
landas ng buhay. Pero ang paggiging magkaibigan namin ay nanatili.
Nagkikita pa rin kami nuon tuwing pasko, o kung may panahong gusto naming
magsama-sama o magbalitaan tungkol sa sanga-sangang landas na tinahak
namin. Pagkaraan ng 24 na taon mula nang binuo ang Patatag, eto pa rin
kami, magkakasama, magkakaibigan. Nagdadamayan, nagtutulungan.
Marami sa aming mga kaibigan ang matagal nang nagmumungkahing mag-reunion
kami. Bagamat nakakaengganyo, ngayon lang namin sineryoso ito. Dahil sa
karamdaman ng isa naming ka-miyembro, si Nonyx. Naisip naming ang
pag-reissue ng aming musika sa tatlong CD set ay makakatulong sa
pagdugtong ng kanyang buhay. At kung mag-re-reunion concert rin lang kami,
ito na ang tamang dahilan! Nagpasya kaming mag-ensayo, tulad ng dati, sa
bahay ng ilan sa amin. Higit pa riyan, ang ilan sa mga anak ng Patatagers
ay kasama namin sa pagkanta: sina Uyi, Nicole, Tippy, Kiko, Mikoy at iba
pa. Nakakatuwa dahil hindi pala namin tuluyang naiwaksi ang niyakap naming
prinsipyo at dedikasyon sa musika at lipunan. Akalain ba naming
naipapamana pala ang mga ito!
May pag-asa pa kung ganun.
Samahan niyo kami sa pagsisikap naming dugtungan ang buhay ng isa naming
kasama. At palaganapin ang pag-asang natuklasan namin sa muling pagkanta
ng musika ng Patatag.
November 21, 2008 fund-raising concert of PATATAG
It's confirmed! Patatag's fundraising concert and re-launch of its 3
albums will be held on November 21, 2008 at 70's Bistro in Anonas St.,
Quezon City. Showtime is from 6:00 to 9:00 p.m.
We will be singing old favourites -- featuring new musical arrangements --
and we will be joined by a new generation of Patatag -- our very own
offsprings who have now become musicians and singers in their own right!
Also sharing the stage with us on the 21st of November is a member of
Patatag's family and dear friend, Susan Fernandez. Other performers will
be making special appearances, we will keep you posted on the line-up!
How do you get to join us on this special night? Simple -- purchase a 3-CD
pack that Patatag will be releasing very soon -- and the CD-pack becomes
your ticket to the show. The 3-CD pack is a re-mastered (digital) release
of our previous recordings, namely: "Nagbabagang Lupa," "Batang Clark,"
and "Masdan, O Yahweh."
How do you buy the 3-CD pack?
1. You can purchase an advanced-sales coupon from any Patatag member,
entitling you to a 3-CD pack, which you can claim at the venue on 21st
November;
2. You can purchase a 3-CD pack at the venue gate on 21st November.
Confusing?
Write us back, at Patatag84@gmail. com and we'll try to clarify or arrange
something! :-)
Oh, and the price of the 3-CD pack (and a night of music with Patatag and
friends)... is Php 500.00. All proceeds go to a support fund for a fellow
Patatag member who is currently undergoing regular dialysis treatment.
We look forward to sharing music, memories, hopes and new aspirations with
you on this night and onwards.
See you on the 21st of November!
Yours in music,
PATATAG
Saksak Sinagol
11 years ago
Post a Comment